Kakayahan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ng mga Mag-aaral ng Senior High School
Author/s: Maricel Layno Mendoza |
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Kakayahan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ng mga Mag-aaral ng Senior High School sa Baguio City National High School. Ang pananaliksik na ito ay may layunin na tuklasin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng akademikong sulatin. Nilayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang pag-unlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng akademikong sulatin, lalo na ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat.
Ang respondente sa pananaliksik ay mga mag-aaral na kabilang sa ikalabindalawang baitang ng strand ng ABM at HUMSS ng Senior High School ng Baguio City National High School. Ang limitasyon ng pag-aaral ay hanggang limampung (50) mag-aaral lamang. Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ay deskriptibo upang malaman ang kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral. Ginamit din ang random sampling sa pagpili ng mga kasangkot sa pananaliksik.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsulat ang mga mag-aaral pagdating sa replektibong sanaysay, subalit nangangailangan pa rin ng maraming pagsasanay at gawain upang punan ang kakulangan sa kasanayan sa akademikong sulatin. Sa kabuuan, tahasang maipapahayag ang kakulangan sa kaalaman sa pagsulat ng replektibong sanaysay ng mga mag-aaral.
Read Full Article